Amay

Sa tagong bayan ng mindanao matatagpuan ang kahanga hangang babae na si Amay. Siya ay tanyag sa kanilang bayan sapagkat nasa kanya ang lahat ng kapintasan kung panlabas na anyo ang ating pagbabasehan. Si Amay ay nagmula sa mayamang angkan; ang kanyang ama ang nagmamay-ari ng isang napakalaking taniman ng palay sa lugar habang ang kanyang ina naman ang nagpapatakbo ng kanilang mga negosyo katuwang ang kanyang mga nakatatandang kapatid na sina Odlohm at Isa.

Sa panahon natin ngayon marami ng mga makabagong pamamaraan ng pagpapaganda na kung tutuusin ay pwede niyang subukan, ito ang parating suhestyon ng kanyang Ina at mga kapatid subalit si Amay ay sadyang kakaiba, hindi niya kailanman ikinahiya ang kanyang kaanyuan. Nang siya ay nagtapos ng abogasya agad siyang naghanap ng trabaho subalit sa kasamaang palad ay walang may gustong tumanggap sa kanya at dahil dito naisipan ni Amay na pumunta sa mga maliliit na pook ng kanilang bayan, nag-alok siya ng libreng pagtuturo patungkol sa mga legalidad, tumulong sa mga taong walang kakayahan sa pagkuha ng sariling abogado. Hindi siya kabilang ng anumang organisasyon tanging ang mga taong kanyang tinutulungan ang kanyang mga kaanib. Ngayon isa siya sa mga hinahangaang manananggol sa kanilang bayan, nabigyan at naipaglaban niya ang karapatan ng mga taong isinilang sa kahirapan. Ang mga taong ito ay tinulungan niya rin na magkaroon ng trabaho sa tulong narin ng kanyang mga magulang at kapatid. Sa kabila ng mga pamimintas ng mga taong ito hindi nagtanim ng galit o pagkamuhi si Amay at sa halip ay tinulungan niya ang mga ito na makaraos sa kahirapan, mamulat sa katotohanan at magkaroon ng nmalasakit sa bayan lalong-lalo na sa kapwa.Parakay Amay kung maimumulat ang mga mamamayan sa katotohan at magkaroon ang mga ito ng kaalaman tungkol sa legalidad wala ng mangangahas na mang-apak ng karapatan. Kasama ng mga taong kanyang natulungan patuloy na namamahagi at nagtuturo si Amay sa mga kalapit bayan, hindi na siya si Amay na tanyag lang ng dahil sa kanyang hindi mapalad na kaanyuan kung hindi sa kanyang napakagandang kalooban.

Hindi man ako biniyayaan ng panlabas na kagandahan nais kung makita ng tao na kalakip ng aking pangit na kaanyuan ay mayroon ding kabutihan. Lumaki ako na puro kapintasan ng anyo ko ang aking naririnig ayoko namang mamatay na tanging ang pangit kung mukha ang maiiwan sa kanila.Labis labis ang aking pasasalamat sapagkat ako ay malakas at walang anumang kapansanan, masaya ako sa mga bagay na ipinagkaloob sa akin ng Diyos
– Amay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: