Pinoy Love Quotes

”Ang buhay raw parang biro. Kung ano pa yung mahalaga, yun pa ang mawawala sau. Eh ang pgdting mo sa buhay ko? Biro rin kaya? wag naman sana. kc pag kaw nawala, hindi na nakakatawa..”

”Katangahan bang lumapit kahit umiiwas na sya? magpapansin kahit binabalewala lang nya? maghintay kahit sa wala? ikaw ba ang tanga dahil umaasa ka pa? o sya? na di makaunawa na mahal mo sya ng sobra sobra?”

”It’s hard to realize and accept that the one you love has to go. It hurts but you have to say, “kaya ko to!” Tears fall coz wat you really mean is, “sh*t, pano na ako?”

”Ang love parang sugal. minsan talo, minsan pnalo, minsan tiba-tiba, minsan bawi lng pero alam mo kung anong masakit? ang makita mong panalo kana sna kaso hindi ka tumaya..”

”Masama bang mapalingon sayo at titigan ka? Masama bang maging masaya kapag nakakausap kita? kasalanan bang masaktan kapag tinutukso ka sa iba? at pakisbi naman sakin kung kasalanan bang mahalin kita.”

”Sabi ko dati kahit ano mangyri ipaglalaban ko siya. kahit anong mangyri di ko hahayaan na mawala siya.. pero nakakapagod rin pala na ipaglaban yung taong walang ginawa, kundi ang pakawalan ka..”

”Masakit kapag nakikita mo yung mahal mo na nasasaktan dahil sa mahal niya. Wala kang magawa kasi wala ka namang karapatan sa kanya, maiisip mo nalang bigla, “bakit ang taong pinapangarap ko, binabasura lang ng ibang tao?”

”Minsnan sa pag-aakala kung mahal ako ng isang tao.. nadedevelop narin ako, ipaglalaban kasi akala totoo. pero masakit ng malaman kung may halo palang panloloko, dumating nga siya pero sasaktan rin pala ako.”

”Mali na isipin ko siya pero ginawa ko, mali na mag-aalala sa kanya pero ginawa ko, mali na mahalin ko siya pero ginawa ko, pero ang kalimotan siya na syang tama ay hindi ko magawa?”

”Bakit pa pag nagmamahal ka nagmumukha kang tanga? Dahil ba nagiging mali ka kahit tama? Dahil ba nagiging mahina ka kahit malakas ka? bahil ba nagbibigay ka kahit walang kapalit? o Dahil masaya ka kahit masakit?”

”Masakit maging kaibigan ng taong mahal mo hindi mo alam kung saan ka lulugar, kaya hindi ka dapat umasa o mainis sa kanya dahil wala kang karapatan dahil kaibigan ka lang niya.”

” Sana ako ang namimiss mo, sana ako ang palaging hinahanap mo, sana ako ang mahal mo at sana…. wag kang magalit sa mga pinagsasabi ko dahil hanggang sana lang naman ako.”

”Ang hirap di ba? Kapag yung taong mahal mo ay di ka pinapansin…ang lungkot isipin na hindi mo siya malapitan, mahawakan o makausap man lang. Pero hindi ba mas masakit isipin na siya ang buhay mo habang ikaw ay basura lamang sa buhay nya.”

”Sabi mo hindi ka nanghihinayang na nawala siya sa’yo o nagsisisi na iniwan ka niya, sa totoo lang hindi ako naniniwala, dahil natutulog kang lumuluha sa tabi ko, habang pabulong kong sinasabi na ,’ako kaya iiyakan mo?”

”Paulit ulit lang ang buhay pag-ibig, makikilala ko, mahuhulog ako, magmamahal ako, mamahalin ako, iiwan ako, iiyak ako, kung talagang mahal mo ako pwedeng hanggang doon na lang? wag mo akong paiyakin.”

” Sabi nila pag mahal mo ang isang tao, matututo kang pakawalan siya, kung sayo, sayo, kung hindi, hindi. Eh papaano mo iisiping pakawalan siya kung siya lang ang dahilan kung bakit ka nagmamahal.”

”Miss kita, alam mo ba?Hindi? tanga! Iniisip kita, alam mo ba? hindi? tanga! Mahal kita, alam mo ba? hindi? tanga!

May mahal ka kasing iba. Ay! ako pala ang tanga, kaya pala.”

”Kaibigan kita kaya dapat iniingatan mo ako, kailangan parati kang nariyan sa tabi ko, dapat mahal mo ako. Kaibigan kita kaya tulungan mo ako na isipin na magkaibigan lang talaga tayo.”

”Kagabi nag-usap kami ni Lord sabi ko sa kanya bakit po ang saki sakit nagmahal naman po ako diba? Niyakap niya ako at sinabing anak, sobra sobra kasi..”

”Siguro nga hindi sa lahat ng oras aasa tayo sa mga pangarap natin, masasaktan lang tayo kasi hindi lahat ng pinapangarap natin ay para sa atin at hindi lahat ay natutupad.Parang ako, pangarap kita ..pangarap na walang katuparan.”

”Nang iniwan kita akala ko sasaya ka, akala ko sa piling niya liligaya ka, akala mo ginawa ko yun dahil gusto ko ang dimo lang alam ginawa ko yun dahil mahal kita ng higit pa sa buhay ko.”

”Heto ako, malapit na sa taas. Tapos na sa pag-iyak, tapos na sa lahat. Bakit ngayon, ngayong nasa may dulo na ako, saka ka pa dumating? Mahuhulog na naman ba ako ng walang sumasalo?”

”Parehas tayong umiyak, parehas tayong nasaktan, at parehas tayong nahirapan. pero bakit ganon? sa huli ako lang ang natira?”

”Sabi nila kung mahal mo daw ang isang tao, pakakawalan mo. Sabi naman ng iba kung mahal mo ang isang tao, mahalin mo ng lubos. Pero di ba mas mahal mo ang isang tao kung…pasayahin mo siya sa piling ng taong mahal niya?”

”Nang iwan mo ako, la akong nagawa kahit masakit, tinanggap ko kasi mahal kita pero ng nakita kitang umiiyak, isa lang nasabi ko… “ni minsan d kita ginanyan bakit mo kasi ako iniwan”

”Masakit na makita mong iba ang kasama ng taong minamahal mo pero mas masakit magkunwaring masaya ka para sa kanila habang iniicp mo na “sana ako na lang sya” ”

”Aalis ako kasi may iba ka ng gusto aalis ako kasi kayo na, aalis ako kasi narinig kong mahal mo na rin sya.. aalis na lang ako ha! kasi sa tingin ko masaya ka na! pero babalik ako.. kapag iniwan ka na nya!”

”Umupo ako.. tumabi ka.. sabi mo mahal mo sya.. smile lang ako… di mo alam naluluha ako.. tumayo ka para sundan siya.. bumulong ako “buti pa sya”

”Sasabihin ko na sana kaya lang nandyan sya, sisimulan ko na sana kaya lang inuna mo sya, ngayon nandito ka na masasabi ko na, I LOVE… bigla mong sinabi “BESTFRIEND ALAM MO, KAMI NA..””

”Sabi nila “iwanan mo na”. sabi ko “ayoko”. sabi nila “okay pa?” sabi ko “ayos lang” tapos tinanong nila ko isang araw “kaya mo pa ba?” napaluha ako habang sinasabi, “mahal ko eh, kaya kakayanin ko”.”

”Minahal kita noon pero pinabayaan mo, minahal kita ngayon pero binalewala mo, ngayon minahal mo ako, pinakawalan ko, bakit ngayon mo pa ako minahal, ngayong iba na ang mahal ko?”

”Masakit sa kalooban ang lokohin ka, ang paasahin ka, ang pagtaksilan ka, pero mas masakit sa kalooban ang…gamitin ka lang niya.”

”Kung mahal mo raw, ipaglaban mo. totoo ba yon? paano kung hindi ka niya mahal? anong ipaglalaban mo? isang pag-ibig na ikaw lang ang nakakadama? mahirap yata yon ah!!! kaya mo ba? pero pag mahal mo talaga, kakayanin mo di ba?”

”Sana pag nakita mo na yung taong mahal mo, huwag kang magpakatanga, wag kang magpakamartir, wag kang magpakagago…ayokong makitang nahihirapan ka…tignan mo nangyari sa akin nung minahal kita…. ”

”Sabi nila, kapag mahal mo, lahat ibibigay mo…lahat gagawin mo…pero paano na lang kung hilingin niya na maghiwalay kayo…ibibigay mo ba kahit mahal mo pa siya?”

”Sabi mo mahal mo ko…sabi mo di mo ko iiwan..sabi mo hihintayin mo ko. Saglit lang akong nawala iba na kasama mo. andaya talaga…dahil ba sa mahal mo lang ako pag magkasama tayo?”

”Sana akin ka para di ka iiyak, sana akin ka para di ka na masasaktan, sana akin ka para di ka na aasa pa. ngunit ang talagang nais ko’y Sana ako siya na minahal mo ng sobra sobra.”

”Minsan ang layo ng tingin mo. Sino ba’ng hinahanap mo? yun tao bang magmamahal sayo? yan ang hirap sayo eh! ang layo lagi ng tingin mo, ang tagal ko na dito…di ba pwedeng sa kin ka naman tumingin? ”

”Iniwan kita di dahil ayoko na sayo, tinalikuran kita di dahil galit ako sayo, lumayo ako di dahil ayaw na kitang makita, umalis lang ako kasi ayaw ko nang umiyak habang nakikita kang masaya…sa piling niya”

”Muntik ko nang ipagtapat sayo ang nararamdaman ko nung magkasama tayo…muntik ko nang sabihin na mahal kita…pero nung sasabihin ko na…napatigil ako dahil bigla mong sinabi….”lam mo mahal ko pa siya”.”

”Mahirap umasa sa wala, mahirap magmahal sa taong may ibang mahal. Mahirap ipagtanggol ang taong walang paki sa nararamdaman mo…at higit sa lahat, mahirap masaktan ng wala kang karapatan.”

”Sabi mo mahal mo ko, naniwala ako. Sabi mo hanggang katapusan tayo, umasa naman ako. Sabi mo di mo ako sasaktan, at nagtiwala ako sayo. pero bakit ganito, iniwan mo ako at niloko. pero okay lang, may magagawa pa ba ako? siguro lang talagang di ako para sayo.”

”Bakit ganun? hindi pala lahat ng akala mo ay totoo? dahil akala ko di kita kailangan. akala ko di kita mamahalin pero mali pala ako, at nung inaakala kong minamahal mo ko, ni minsan di pala ngkatotoo.”

”Hindi mo ako sinalo nung nahulog ako, hindi mo ako pinansin nung bumagsak ako, dapang dapa na ako alam mo ba yun? pero nung napansin kong paalis ka, sinubukan kong tumayo para habulin ka pero nagmamadali ka para sa kanya.”

”Balita ko mahal mo pa sya? totoo ba? ouch! Sensya ka na ha…mahal kasi kita, pero pag ayaw nya sau, dito lang ako ha, kahit panakip butas lang ok na, kahit masaktan pa ako, wag lang ikaw pwede na!”

”Kapag mahal mo gagawin mo lahat…kahit mskit…kahit di mo na kaya…masakit kasi… patuloy ka paring umaasa na mamahalin ka rin nya, kahit alam mong malabo na.”

”Nung naging close kami sabi ko, walang maiinlove ha..ngumiti sya at nangako pero, dumating yung time ako ang nahulog sa kanya. Magtatapat na sana ko, kso sbi nya, shit! inlove ako pero promise di sayo.”

”May pulubi akong nakita mayaman raw sya dati, nag-eenglish pa nga, nung tinanong ko sya, ‘what in the world happened to you?’ sbi nia, ‘I let everything fall out of place just to fall in love’. ”

Advertisements

3 Responses

  1. Tama bang ma-inlove sa di mo kilala yung love at 1st sight?

    • depende sa kung saan kayo nagkakilala..:)) sabi nila walang mali sa love.What do you mean di mo kilala? Multo ba yan na walang mukha o kaya nakasabayan mo lng sa jeep at lrt? 😀 Dapat kinilala mo

    • Sa tingin ko hindi tama pero mahirap humusga, kasi nagkaganun din ako eh, nagmahal ako sa taong hindi ko kilala, nakita ko lang sa cam. binalewala ko lang after four years hindi sinasadya nakita ko ulit sya sa cam, ngayon sinadya na nandito na sya sa piling ko… mahal ko parin sya tulad ng dati o mas higit pa kasi reality na hindi na illusion….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: